Mahigit P700 milyon na halaga ng iligal na droga, sinira ng PDEA sa Cavite

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit P777 milyon na halaga ng iligal na droga sa Barangay Aguado Trece Martires City, Cavite.

Kabilang sa mga sinira ay ang mahigit 66 milyong gramo ng shabu, 14 milyong gramo ng Marijuana, Ecstasy, Cocaine, at Ephedrine.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagmula ang mga ito sa iba’t ibang anti-drug operations na isinagawa ng PDEA, kasama ang iba pang law enforcement agencies.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa mga otoridad hindi na pwedeng i-recycle pa ang mga droga dahil nabulok at abo na ang mga ito.