Lalaking nagbenta ng kaniyang anak sa halagang P50K arestado sa QC

Arestado ang isang lalaking ibinebenta ang kaniyang 11-buwang anak sa Quezon City.

Ayon sa mga otoridad inilalako ng suspek ang kaniyang anak sa online sa halagang P50,000.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Paliwanag ng suspek, iniwan siya ng nanay ng sanggol kaya napilitan siyang ibenta ito. Wala rin daw siyang trabaho na pang tustos sa bata.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sinampahan na ng kasong paglabag sa child trafficking at resisting arrest ang suspek.

Muli namang nagbabala ang mga otoridad sa publiko na dapat dumaan sa legal na proseso ang planong pagpapaampon lalo’t posibleng mapahamak ang bata.