20 bansa, balak makipag-usap sa China hinggil sa isyu sa WPS

Dalawampung bansa na ang balak na makipag-usap sa China sa sidelines ng United Nations General Assembly kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez layon nitong iparating sa China na hindi lang ang Pilipinas kundi marami ng bansa ang hindi natutuwa sa mga ginagawa nitong delikadong aksyon sa dagat.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sa huling surveillance ng Philippine Navy umabot na sa 207 na mga Chinese vessels ang namamalagi sa loob West Philippine Sea. Kabilang ang isang research and survey ship ng China.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ito na ang itinuturing na pinakamaraming bilang ng mga barko ng China sa WPS ngayong taon.