Tokyo Olympics simula na ngayong araw!

Matapos maantala ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, tuloy na tuloy na ngayong araw ang pagdaraos ng Tokyo Summer Olympics.

Sisimulan ang naturang event sa pamamagitan ng Opening Ceremony na gaganapin sa $1.5-billion Japan’s New National Stadium na dinesenyo pa ng kilalang Japanese Architect na si Kengo Kuma.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Mayroon itong 68, 000 seating capacity subalit dahil sa banta ng COVID-19 nilimitahan mula sa mga fans ang pagpapasok sa venue.

Inaasahan naman na dadaluhan ang opening ceremony ng aabot sa 11,000 atleta mula sa 206 bansa.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Para sa Pilipinas naatasan bilang flag bearer si Pinoy Boxer Eumir Marcial ang judoka sensation na si Kiyomi Watanabe.

Aabot naman sa 19 na mga atletang pinoy ang susubok na masungkit ang mailap na Olympic Gold Medal.