Siphoning operation sa MTKR Terranova, extended hanggang Biyernes

Na-extend pa hanggang sa araw ng Biyernes ang siphoning operation o pagsipsip sa natitirang langis mula sa lumubog na sa MTKR Terranova sa Bataan.

Ayon kay Coast Guard Station Bataan Commander, Lieutenant Commander Michael John Encina, layon nitong makuha ang lahat ng naiwang langis mula sa mga tangke, pipelines at compartments ng barko.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Sa kabuuan, mayroon nang nakuhang 1,384,211 liters ng oil waste mula sa Terranova.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Ang barko ay may kargang 1.4 million liters ng industrial fuel bago lumubog noong kasagsagan ng bagyong Carina.