OVP – handa raw magtrabaho kahit bigyan ng P0 budget

Nanindigan si Vice President Sara Duterte na ang mga developments hinggil sa hiling na budget ng Office of the Vice President (OVP) ay pawang bahagi ng mga pag-atake sa kaniya.

Sa isang video, sinabi ni Duterte na ang mga usapin ng ‘di umano’y planong pag-defund sa OVP; ‘o kahit ‘yung pagbibigay sa kanila ng piso na budget ay kapwa bahagi ng mga pag-atake sa kaniyang tanggapan.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Dahil dito, handa raw silang ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa 2025 kahit na bigyan pa sila ng zero budget.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Kumpiyansa niyang sinabi na kayang-kaya nila magtrabaho kahit na wala silang pondo.

Kung maaalala – na-defer muli ang budget briefing ng OVP sa Kamara matapos nitong hindi sumipot kahapon.