Pilipinas at Indonesia, nagsanib pwersa hinggil sa pagkakadakip kay Alice Guo

Nagsanib pwersa ang mga pulisya ng bansang Pilipinas at Indonesia hinggil sa pagkakadakip kay Alice Guo.

Kung matatandan kasi si Guo ay nahuli sa lugar ng Indonesia at kalaunan ay pinauwi sa bansa.

Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay kasalukuyan ng ginagawa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Binigyang-diin rin ni Abalos na may iba pang mga kriminal ang sangkot sa kaso ni Guo kaya ginagawa ang ganitong komunikasyon.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala, tiniyak ni Assistant Secretary at spokesperson ng Department of Justice (DOJ) na si Mico Clavano, na malapit ng matapos ang isyung ito at aasahan na ang mga resulta ng imbestigasyon ay lalabas na sa lalong madaling panahon.