PNP, hindi palalagpasin ang paghahain ng kaso sakaling mapatunayang may pulis na tumulong para makalabas ng bansa si Alice Guo

Hindi palalagpasin ng Philippine National Police ang pagsasampa ng kaso sa sinumang tauhan nitong mapapatunayang tumulong para makatakas palabas ng bansa si Alice Guo na makatakas palabas ng bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, iniimbestigahan na nila kung paano nakalabas ng bansa si Guo.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Batay sa mga unang lumabas na ulat , maaaring dumaan ito back door.

Ayon kay Col. Fajardo, hindi imposibleng may tumulong kay Guo dahil hidni ito basta-basta makakakuha ng kuneksyon para makalabas ng Pilipinas.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Idiin ng opisyal, sinumang mapapatunayang tumulong kay Guo mula sa hanay ng PNP, tiniyak niyang masasampahan ang mga ito ng kasong kriminal bukod pa ang kasong administratibo.