Barko ng Pilipinas – paulit-ulit na binangga ng China sa Escoda Shoal

Muling hi-narass ng China ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commo. Jay Tarriela, sinabi nitong tatlong beses na binangga ng China ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili


Aniya, ginawa ng China Coast Guard (CCG) ang naturang peligrosong hakbang kahit na wala namang provocative action and presence ang Pilipinas.

Ipinasilip din nito ang malalaking butas at pinsala ng BRP Teresa Magbanua matapos ang pagbangga ng CCG vessel no. 5205.

Samantala, idiniin ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Vice Adm. Alexander Lopez na sineseryoso nila ang pinakahuling aggressive action ng China.

Sa ngayon, iniulat na umano nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang insidente at ipauubaya na nila ang susunod na hakbang sa Kagawaran.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request