3 pulis arestado matapos mangholdap sa isang negosyante sa Bulacan

Naaresto ng Bulacan Police ang tatlong pulis na nanloob at nagnakaw sa loob ng bahay ng tatlumput limang taong gulang na negosyante sa Barangay Borol 2nd, Balagtas, Bulacan.

Sa report ng Police Regional Office 3, august 28 nang maaresto ang tatlong pulis sa isinagawang follow up operation.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kabilang sa mga naaresto ang isang Police Majorc dalawang pulis na may mga ranggong Police Staff Sergeant at Senior Master Sergeant.

Sa isinagawang imbestigasyon, nagpanggap umano ang mga naturang pulis na higingi ng tulong pinansyal mula sa biktima pero bigla nalamang bumunot ng baril para magdeklara ng holdap sa bahay ng bikima.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kanilang sa natangao ng mga suspek ang mga cellphone, laptop, bag, relo at pera na may halagang P30 million pesos.

Lumalabas din sa imbestigasyon na may apat pang pulis na sangkot sa panghohdap at pagnanakaw sa bahay ng biktimang negosyante na sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.