Senadora, umaasa sa pagkambyo ng DOTr sa kanilang desisyon hinggil sa pagpapatupad ng PUVMP

Bigo pa rin hanggang sa ngayon ang ilang transportation cooperatives na makapagbayad ng kanilang mga loan o utang ayon kay Senadora Grace Poe.

Bilang dating chairman ng Senate Committee on Public Services ay naniniwala siya na isa lang itong sintomas na nahihirapan ang ilang transport drivers at operators sa gitna ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Kasunod nito, umaasa siya na sa pagkambyo ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang desisyon hinggil dito upang mapagaan ang bigat na dinadala ng mga transport sectors.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Maalala, nitong mga nakaraang linggo ay nakipag-usap na si Senate President Chiz Escudero sa magkabilang panig ng mga transport groups upang malaman ang kan-kanilang sentimyento hinggil sa PUVMP.

Tiniyak naman din niyang pagkatapos nito ay kakausapin niya ang DOTr at posible maging ang Pangulo kung kakailanganin man.