PBBM: Oil spill-hit areas sa Cavite – maaari na muling pangisdaan

Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na ligtas na uling mangisda sa bahagi ng Manila Bay sa Cavite matapos itong maapektuhan ng oil spill.

Ayon kay Pangulong Marcos, si Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel na mismo ang nagsabi na wala nang oil spill sa lugar.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Dahil dito, pwede na muli umano itong pangisdaan, at gamitin sa paghahanapbuhay.

Batay sa datos ng pamahalaan, aabot sa 25,000 na mga pamilya sa Cavite ang apektado nang ipagbawal ang pangingisda sa Manila Bay dulot ng tumagas na langis.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Katumbas ito ang 33,000 mangingisda, at ₱250-milyong kita na nawala mula sa lokal na sektor.