SP Pro Tempore – pinayuhan si Quiboloy na sumuko na lang sa awtoridad; FPPRD, tiyak na makakatulong umano sa pagpapasuko rito

Hindi na bago kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang paggamit ng pulisya ng maraming pwersa sa pagsasagawa nila ng kanilang operasyon.

Kwento niya, nasa tatlo o apat din kaseng batalyon ng mga pulis ang pumunta sa bahay nila dati para arestuhin siya at ang kanyang tatay.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Kasunod nito, bilang itinuturing naman din niyang kaibigan si Quiboloy ay pinayuhan niya itong sumuko na lang sa awtoridad upang matigil na ang gulo.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Samantala, naniniwala naman siyang malaki ang maitutulong ni former president Rodrigo Roa Duterte upang mahimok itong lumabas o sumuko.