Pilipinong sasabak sa Paralympics, binigyang pugay ni PBBM ngayong National Heroes day

Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang kakaibang kabayanihan na tinataglay ng mga Paralympic athlete na kakatawan sa Pilipinas sa 2024 Paris Paralympics.

Sa kanyang talumpati sa pag gunita ng National Heroes’ day sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ng Pangulo na sumisimbolo ng pagasa para sa lahat ang pambihirang lakas at dedikasyon nilang makipag tagisan sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes
Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa Pangulo ang karangalang iuuwi nila sa bansa ay hindi matutumbasan ng parangal, papuri at mga incentives.

Kasama rin sa pinapurihan ng Pangulo ang mga nakibahagi sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics.