Guo – pinalalagay sa Red Notice ng Interpol

Agaran na ring hinihiling ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkansela sa pasaporte ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay sa gitna ng balitang lumipad na ito papuntang ibang bansa gamit ang kanyang Philippine passport.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Anya, tiwala naman siyang sapat na ang mga patung-patong na kaso laban kay Guo upang ipawalang bisa ang kanyang pasaporte.

Samantala, ipinanawagan din niya sa National Bureau of Investigation (NBI) na hilingin na sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang pagsama sa pangalan ni Guo sa red notice.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ang red notice ay tumutukoy sa isang international request o alerto na nagbibigay impormasyon tungkol sa isang tao na hinahanap para sa criminal offense para sa kanilang pagkaaresto.