Bangkay ng lalaki na higit isang linggo nang nawawala, natagpuan na nakalibing sa Zamboanga City

Nagpapatuloy ang sinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagkamatay ng lalaki na isang linggo ng nawawala matapos ito matagpuan.

Nakalibing ito at nakabalot ng packing tape sa Zone 7, Barangay Cawit, Zamboanga City.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Ayon sa ina ng umalis ang kanyang anak noong Agosto 9, 2024 at hindi na muling naka-uwi.

May nakapagbigay umano ng impormasyon sa kanila na namatay na ang biktima.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Agad silang nakipagtulungan sa kapulisan at kung saan natagpuan ang biktima.

Patuloy ang mga otoridad sa imbestigasyon upang malaman ang ikinamatay nito.