Babaeng may intellectual disability umano, patay sa pamamaril ng lasing na guwardya

Patay ang isang babaeng may intellectual disability umano matapos barilin ng lasing na security guard sa Barangay Sucat sa Muntinlupa City.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Naganap ang pamamaril kaninang alas tres ng madaling araw.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakainom ang suspek na gwardya nang barilin nito ang biktimang nakatambay lang umano sa loteng kaniyang binabantayan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Hawak na siya ngayon ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso.