4 na taong imbestigasyon hinggil sa POGO, malapit nang isara sa Senado

Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros sa panayam ng Brigada NewsFM Manila na magpapatuloy pa rin sila sa pagsasagawa ng ilang pagdinig hinggil sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ito ay sa kabila ng bigo pa nilang pagtunton kay ‘Alice Leal Guo’ o ‘Guo Hua Ping’ na patuloy pa ring hinahanap ng mga law enforcement agencies hanggang sa ngayon.

Pero pagtitiyak niya, matapos ang ilan pang pagdinig ay isasarado na nila ang apat na taong pag-iimbestiga rito.
Sa ngayon, inaasahan ng senador na magwa-wind down at magsasagawa na ng transition plan ang mga POGO firms mula sa naging pronouncement ng Pangulo na pag-ban dito sa bansa.
#

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test