PNP Chief Marbil, pinarerepaso ang Oplan Double Barrel ng PNP

Pinarerepaso ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang Oplan Double Barrel ng PNP.

Paliwanag ni Marbil, ang kautusan ay para sa pagpapaigting ng kanilang recalibrated anti-illegal drugs campaign.

Sinabi ng PNP Chief na ang comprehensive review sa Oplan Double Barrel ay para matukoy ang lakas at kahinaan nito at kung malaman kung naging epektibo nga ba ito base sa mga nakalipas na operasyon.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Kaugnay nito, bubuo na rin ng review panel na magsasagawa ng assessment sa Double Barrel.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Pangungunahan ito ng Office of the Deputy Chief, PNP for Operations at may mga kinatawan ng PNP Quad Staffs—kasama ang Operations, Investigation, Intelligence, at Police Community Relations—gayundin ang Internal Affairs Service at PNP Human Rights Office.
#