Hindi kailangan magdeklara ng state of national calamity sa pagsipa ng kaso ng ASF sa bansa – DA

Iginiit ng Department of Agriculture na hindi kailangan magdeklara ng state of national calamity sa kabila ng paglobo ng kaso ng African swine fever sa bansa.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Siniguro rin ng ahensya na hindi magkakaproblema sa suplay ng baboy at hindi rin sisipa ang presyo nito.

Samantala, itinaasan ng DA ang indemnity o bayad para sa bawat baboy na kailangang patayin na dahil infected ng ASF.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Ayon sa DA, P4,000 ang bayad sa kada biik, P8,000 sa medium size, at P12,000 sa large size.