Scam hub sa Cavite, sinalakay ng NBI; 29, arestado

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang apat na bahay sa Grand Centennial Homes sa Kawit, Cavite na ginagamit umano bilang scam hubs.

Sa bisa ng isang search warrant, naaresto ang 29 na indibidwal kung saan 24 rito ay mga Pilipino habang 3 ang Chinese at 2 ang Malaysian.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nakumpiska sa mga bahay ang ilang computer at electronic devices na ginagamit para sa romance scams, investment scams, crypto scams, impersonation scams, at credential stuffing.

Nadiskubre rin sa mga bahay ang “scam showroom” kung saan nakapwesto ang ilang computer, pekeng luxury items, at mga high end products para mapaniwala ang mga biktima.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sumailalim na sa inquest proceedings ang mga akusado na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Anti-Financial Account Scamming Act.