11 sabungero, arestado sa operasyon

Siksikan ngayon sa Mabolo Police Station ang 11 na sabungero matapos maaresto ng kapulisan bandang  alas-4:00 ng hapon nitong Linggo, Agosto 11, 2024 sa inilunsad na anti-illegal gambling operations sa Brgy.Carreta, Cebu City .

Sa naturang operasyon, naaktuhan ang mga ito habang nagsasagawa ng ilegal na sabong ng mga manok o mas kilala bilang “tigbakay”.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Hindi na nagawang makatakbo ng mga naaresto kung saan ang pinakabata ay edad 28 at ang pinakamatanda ay edad 54-anyos

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ang mga nahuli, residente ng Mandaue City at Cebu City.

Kaugnay nito, mahaharap ang mga nahuling sabungero sa kasong Paglabag sa PD.1602 o illegal Gambling.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasabong sa bansa.