Bodega ng furniture, nilamon ng apoy; P28M danyos

Kinumpirma ng Lapu-Lapu City Fire Station na walang nasaktan sa nangyaring sunog sa bodega ng furniture sa Sitio Kolo, Brgy. Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu pasado alas 02:00 ng hapon ng Linggo, Agosto 11, 2024.

Matatandaang binalot ng makapal at maitim na usok ang bodega na umabot ng first alarm at nakontrola bandang alas 02:48 ng hapon bago tuluyang naapula alas 03:17 ng hapon.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa mga otoridad, ginagamit bilang imbakan ng mga furnitures ang nasabing bodega.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Umabot naman ng 28 milyong pisong halaga ang danyos na iniwan ng sunog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, defective umano ang breaker ng water pump ng bodega na hinihinalang sanhi ng sunog ngunit inaalam pa ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon.