Fetus, natagpuan sa CR sa NAIA

Nakabalot sa tissue at nasa basurahan nang matagpuan ang isang fetus sa East Departure Restroom ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nangongolekta ng basura ang isang cleaning staff ng paliparan nang makita nito ang isang tissue na basang basa ng dugo.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Nang suriin ito ay dito na nakumpirma ng MIAA Medical team na ito nga ay isang buwang gulang na fetus.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Samantala, nagsasagawa na ng joint investigation ang NAIA Police Station 1, Airport Police Department, at Sub Station 8 para mas matukoy ang kinaroroonan ng ina ng fetus.