Hirit ng MNLF na magsilbing security detail ni VP Sara, dadaan sa masusing pag-aaral ng AFP

Hindi basta-basta ang nais ng ilang grupo na magsilbing security detail ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, dadaan pa sa masusing pag-aaral ang hirit ng Moro National Liberation Front na magsilbing bantay ng Pangalawang Pangulo.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Ipinapaubaya na rin nila ito sa higher authorities kung saan dadaan muna ang mga ito sa background check at masusing training.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Nauna ng sinabi ni Padilla na mayroon pang 400 mga sundalo ang tumitiyak ngayon sa seguridad ni VP Sara.