12 security guards, pinaulanan ng bala ng 2 suspek

Patuloy ang kapulisan sa paghahanap ng dalawang suspek na nagpaulan ng bala sa sleeping quarter ng 12 security guards sa isang pribadong lote sa Barangay Saavedra, Moalboal, Cebu bandang ala una ng hapon ng Lunes, Agosto 5, 2024.

Maaalala na kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina Rolando Rasonable, 52-anyos at Marcelino Rasonable, 43-anyos.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Sa inisyal na imbestigasyon ng Moalboal Police Station, nasa labas ang 12 sekyu ng biglang dumating ang dalawang suspek at pinaulanan ng bala ang mga ito.

Dali-daling nagsipasok sa kanilang quarter ang mga security guards ngunit nagpatuloy pa rin ang mga suspek sa pagpapaulan ng bala.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Isa sa mga sekyu na si Alfredo Polinar Jr. ang tinamaan ng splinters na nagdulot ng minor injury.

Sa ngayon, inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa nasabing krimen.