Multilateral Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng PH, Canada, Australia, at US – isasagawa sa EEZ ng bansa

Magsasagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Austrlia, Canada, Pilipinas at US.

Ang MMCA na isasagawa sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ay magsisimula ngayong araw at magtatagal hanggang bukas, August 8.

Magkakasamang magpapatrolya ang air force units ng mga nabanggit na bansa upang mapalakas ang kooperasyon at interoperability sa mga sandatahang lakas.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa joint statement, sinabi ng apat na bansa na ang naturang hakbang ay isang “collective committment” na magpapatibay sa regional at international cooperation para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Muli rin pinagtibay ng mga bansa ang 2016 South China Sea Arbitral Tribunal Award ay pinal at legal.

Nagkakaisa rin ang mga ito na mapanatili ang karapatan at kalayaan sa paglalayag alinsunod sa sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.