Mabahong amoy mula sa Cardinal Agri. Inc., sosolusyonan na!

Napagkasunduan na ang solusyon sa matagal nang reklamo ng mga residente ng Tubtub sa Brooke’s Point tungkol sa mabahong amoy mula sa water waste ng Cardinal Agri. Inc.

Sa isang pagpupulong ngayong umaga, pinangunahan ni Mayor Cesareo Benedito Jr. ang pag-uusap na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay Tub-tub, mga residente, at iba pang concerned agencies.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Sa pagpupulong, pinakinggan ng punong bayan ang bawat panig ng mga residente at ng kompanya.

Napagkasunduan na magkakaroon ng sariling pipe ang Cardinal Agri. para sa kanilang water waste, at hindi na ito dadaan sa kanal ng mga magsasaka.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Layunin nito na maiwasan ang mabahong amoy na nagiging sanhi ng reklamo.

Ayon kay Chief Executive Officer Joselito Abrogar ng Cardinal Agri, handa silang sundin ang pinagkasunduan at humihingi sila ng paumanhin sa perwisyong dulot ng kompanya.