Naga City Disaster Risk Reduction Management Office, nagpaalala din sa pag iwas sa dengue 

NAGA CITY – Naglabas din ng kanilang paalala ang City Disaster Risk Reduction Management Office kung papano maiiwas ang mga bata sa kagat ng lamok na posibleng may dala ng dengue, lalo na iyong nasa paaralan. Ang mga classrooms ay matagal-tagal din nabakante kaya dapat tiyakin na malinis ang kapaligiran sa loob at sa labas nito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Ernesto Elcamel, Head ng CDRRMO, sinabi nitong bago pa man ang regular na pasukan ay nakipag-ugnayan na rin sila sa mga school heads, may ilang mga paaralan na rin silang binisita kasama ang ilang personahe ng sanitation office. Nagkaroon pa ang mga ito ng pag fogging sa paligid.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Anya’y may mangilan-ngilan ng kaso ng dengue sa lungsod na ang tinuturong pinanggalingan ng lamok ay ang mga paaralan. Hindi lang delikado sa mga bata ang dengue kundi maging sa mga guro din kung hindi malinis ang kapaligiran.