Senadora, nanawagan sa DOTr na ipagpaliban ang deadline hangga’t hindi naayos ang PUVMP

Nakikita bilang anti-cooperatives ni Senadora Grace Poe ang nangyayaring paglalaban-laban ng mga grupo ng transport sectors hinggil sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasunod nito, dapat lang umanong itigil na ng masterminds sa likod nito ang pananakot sa mga drayber tungkol sa pagbawi sa prangkisa kung hindi makakapag-consolidate at maging pagsabi na mawawala ang kanilang investments kung ito ay irerebyu.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya, ang simpleng pagkalat ng mga impormasyong walang basehan ay hindi dapat maging hadlang sa pagkakaroon ng tamang pagrebyu sa programa.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Dahil dito, nanawagan ang senadora sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban muna ang anumang deadline hangga’t hindi naayos ang mga programa.

Sa kabilang banda, nilinaw naman niiyang nirerespeto niya ang anumang posisyon ng mga transport groups hinggil sa isyung ito.