3 magkakahiwalay na sunog, sumiklab sa Metro Manila

Sumiklab ang tatlong magkakahiwalay na sunog kanina sa Metro Manila.

Naitala ang unang insidente sa Brgy. Pio Del Pilar sa Makati City kaninang 5:28 ng umaga na umabot sa ikaunang alarma bago idineklarang fire out.

Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, tatlo ang napaulat na nasugatan kung saan ang dalawa ay na trap malapit sa nasusunog na gusali.

Nasundan pa ito ng panibagong sunog sa isang commercial area sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City na nagsimula mag aalas 10 kaninang uamaga.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog na umabot pa sa ikaunang alarma.

Nabulabog rin ng sunog ang mga residente sa Matimyas Street sa Sampaloc, Maynila.

Pasado alas 10 kanina nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula.

Pawang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nabanggit na insidente.