Bagong Pilipinas hymn at pledge, ipinatupad na sa Senado

Sinimulan nang kantahin at bigkasin ng mga empleyado ng Senado ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa kanilang naging flag ceremony ngayong araw.

Kasunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 52 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtatakda sa lahat ng ahensya ng gobyerno na gamitin ito mula umaga ng Lunes hanggang sa pagbaba ng flag tuwing hapon ng Biyernes.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Pero bago pa man ito ipatupad sa institusyon, ipinadaan muna ito ni Senate President Chiz Escudero sa secretariat ng Senado upang mapag-aralan.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Matatandaan, ayon kay Escudero, may kalayaan silang hindi ito sundin dahil hindi naman sila automatikong parte ng kautusang ito katulad ng kapangyarihang mayroon ang House of Representatives at Korte Suprema.