Guadiz: Tuloy ang modernization!

‘Tuloy na tuloy ang modernisasyon!’

Yan ang binigyang-diin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa kabila ng panawagan ng Senado na suspendihin muna ang pagpapatupad ng PUV Modernization program.

Sa isinagawang unity walk ng pro-PUVMP Groups, naging panauhin si Guadiz kung saan siya ay nagsalita at sinabing walang resolusyon ang makakapigil sa programa.

Read More:  Marcoleta accuses Ombudsman over planned plunder case

Dagdag pa ni Guadiz, nakausap na rin ni Transport Secretary Jaime Bautista si Pangulong Bongbong Marcos at mensahe nito na ituloy ang modernisasyon at walang dahilan para pigilin ito.

Read More:  Leviste urges House to resume flood control probe

Para naman sa mga driver at operator na bigong mag-consolidate sinabi ni Guadiz na maaari pa rin daw silang mag-avail ng programa para sa free skills training, skills assessment at entrepreneurship training bilang alternative sources of income.