Unity walk ng pro-PUVMP, natapos na

Sa kabila ng pagharang at malakas na pag-ulan, hindi natinag at ipinagpatuloy ng pro-PUVMP groups ang unity walk mula sa Welcome Rotonda sa Quezon City hanggang sa Mendiola sa Maynila.

Ito ay upang ipanawagan kay Pangulong Marcos ang kanilang 100 porsyentong suporta sa PUV modernization program sa kabila ng panawagan ng Senado na suspendihin muna ito.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Nakiisa sa unity walk ang nasa libo-libong mga tsuper at operator at dumali rin at naging panauhin si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz.

Naghiyawan at pinalakpakan ng mga nakiisa sa unity walk si Guadiz matapos nitong sabihin na tuloy at walang makakapigil sa modernisasyon.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

At bilang pakikiisa sa mga ito, maging si Guadiz ay nagsuot rin ng T-shirt na nanawagan ng pagbasura sa resolusyon ng Senado na nagnanais ng suspensyon sa implementasyon ng Public Transport Modernization Program.