Mga boundaries ng mga lalawigan sa Bicol Region mas pinaigting ang pagbabantay

NAGA CITY – Mas pinaigting pa ang pagbabantay ng mga sundalo sa mga boundaries ng mga lalawigan sa rehiyon, tulad ng sa Camarines Sur, Camarines Norte at Albay para agad na masawata ang anumang planong panggugulo ng mga armadong grupong kalaban ng gobyerno.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa mga boundaries na ito nagkakanlong diumano ang mga armado dahil sa mas madali sa kanila ang tumakas kung nagkakaroon ng engkuwentro gaya ng nangyayari sa Camarines Sur na agad sa Camarines Norte ang takbuhan ng mga rebelde.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Army Major Frank Roldan, Chief ng Division of Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, Philippine Army, kaugnay sa pagpaparamdam naman ng mga armadong grupo, pinakahuli sa San Fernando noong nakaraang linggo.