Ilang mga paaralan, nagbukas na ng klase ngayong araw

Nagsimula na rin ang pagbubukas ng ilang mga klase ngayong araw.

Ito ay isang linggo matapos ang itinakdang pagbubukas ng School Year 2024-2025 na noong July 29, bunsod ng epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) noong nakaraang linggo na ngayong linggo magsisimula ang pasukan sa ilang mga paaralan na nag-postpone ng class opening.

Kasabay nito, hamon umano sa ilang mga schools na nagamit ang mga ito bilang evacuations sites.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ginamit kasi ang mga ito bilang pansamantalang tirahan ng mga residenteng nilubog at apektado ng matinding baha na dala ng sama ng panahon.

Sa kabila niyan, hindi ito naging hadlang para sa ilang paaralan na magsimula at ituloy ang pagbubukas ng klase ngayong araw.