Isang lalaki sa Lucena City, patay matapos pagsasaksakin nang dahil sa selos

Dead on arrival ang isang lalaki sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon matapos pagsasaksakin ng isang suspek nang dahil sa selos.

Kinilala ang bikitma na si alyas Dagul, 49-anyos, habang patuloy pa ring pinaghahanap ang nakatakas na suspek na si alyas Erwin Hapon.

Read More:  MV June Aster fire death toll rises to 76 in Palawan, 13 remain missing

Ayon sa PNP Regional Police 4A, kinompronta ng suspek ang nasawing biktima dahil sa pakikipagrelasyon umano nito sa kanyang kasintahan.

Read More:  Truck carrying students, teachers and parent crashes in Davao Oriental

Nagtalo ang dalawa at nauwi sa suntukan, hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.