PBBM humingi ng tulong sa media para labanan ang fake news at maling paggamit sa AI

Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkakaroon ng malayang pamamahayag sa pagtiyak ng masiglang demokrasya sa bansa.

Sa talumpati nito sa oath-taking ceremony ng Association of the Philippine Journalists- Samahang Plaridel Foundation Incorporated, hiningi ng Pangulo ang tulong ng media upang labanan ang paglaganap ng fake news sa social media at ang maling pag gamit sa Artifial Intelligence o AI.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya, makakatulong ang media na mabigyan ng kaalaman ang publiko para matukoy ang totoo sa fiction, at ang katotohanan kumpara sa gawa-gawang impormasyon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Muli namang tiniyak ng Pangulo sa mga media practitioners na naka suporta ang kanyang administrasyon sa pag tiyak sa kanilang kaligtasan at kapakanan sa pamamagitan ng Presidential Task Force on Media Security.