Quezon City, nirerequire na ang mga negosyo na gumamit ng contact tracing app

Nire-require na ng pamahalaang panlungsod ng Quezon City ang mga establishimyento na gumamit ng “KyusiPass” app para mapalakas ang contact tracing efforts ng lungsod sa gitna ng presensya ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na nagre-require sa mga establishimyento na gumawa ng sarili nilang QR codes para sa implementasyon ng KyusiPass bago mag-August 15.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan na pwedeng maharap sa penalty ang mga establishimyento na hindi gagamit ng maayos sa nasabing contact tracing app.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Naniniwala naman si Belmonte na magiging susi ang contact tracing app para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Matatandaan na sinabi ng Department of Health noong Martes na naitala nito ang bagong walong kaso ng mas nakakahawang Delta variant matapos dumaan ng mga pasyente sa retesting, na naglabas ng positibong resulta.