Bata, patay nang ma-trap sa sunog sa Maynila

Wala nang buhay nang matagpuan ang 10 taong gulang na batang lalaki nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Merced St. Barangay 681 sa Paco, Maynila.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 10:20 kaninang umaga.

Tumagal ang sunog ng mahigit isang oras na itinaas pa sa ikalawang alarma bago idineklarang fire out.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Tinatayang nasa P70,000 ang halaga ng pinsala habang inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng apoy.