Pangatlong oil spill sa Bataan?

Nagtungo na ang isang investigation team para masiyasat ang isa pang barko na ‘di umano’y nagdudulot ng oil spil ngayon sa bahagi ng Bataan.

Sa inisyal na ulat – sumadsad ang MV Mirloa 1 sa may dalampasigan ng Mariveles, Bataan.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Lumabas din na mayroon itong kargang libu-libong litro ng langis.

Sa ngayon, kumuha na ng water samples ang mga otoridad para matukoy ang lawak ng posibleng oil spill.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Kung maaalala – ito na ang ikatlong barko sa bahagi ng Bataan na nagdudulot ngayon ng oil spill.

Una ay ang MT Terra Nova, at ang MTKR Jason Bradley.