Oil spill mula sa dalawang fuel tanker na lumubog sa Bataan, pinasisiyasat na rin sa Kamara

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang nangyaring oil spill sa Bataan na nagmula sa dalawang fuel tankers na lumubog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina.

Batay sa House Resolution 1818 na inihain ni Committee on Ecology Chairperson at Binan City Representative Marlyn Alonte, nais na siyasatin ang pinangangambahang pagkalat ng langis mula sa MT Terra Nova at MTKR Jason Bradley upang maiwasan ang polusyon at matugunan ang epekto sa kalusugan, kaligtasan at kabuhayan ng coastal communities.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Iginiit ni Alonte na marapat na makita ang mga procedure, rules, checklist at mga konsiderasyon sa pagdedesiyon bago pahintulutan o pagbawalan ng Philippine Coast Guard ang isang fuel tanker na maglayag lalo na tuwing masama ang panahon.

Sisilipin din ang response procedures ng Coast Guard at iba pang government entities.

Binanggit sa resolusyon ang pahayag ng PCG na aabutin lamang ng isang linggo ang pagsipsip ng tumagas na langis mula sa lumubog na tanker.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ngunit sa kaso umanao ng MT Princess Empress na may dala ng 800,000 liters ng industrial fuel at lumubog sa karagatang sakop ng Mindoro noong nakaraang taon ay inabot ng ilang buwan bago maalis ang kumalat na langis.

Dagdag pa ng kongresista, nagbabala ang Greenpeace Philippines na ang mga fuel tanker na may kargang langis ay maihahambing sa “ticking time bomb” na makapipinsala sa kalikasan at sa kalusugan ng mga naninirahan sa coastal communities.