VP Sara Duterte – pinasalamatan ang mga sumuporta sa kaniya matapos alisan ng security detail ng PNP

‘Huwag kayong mag-alala sa akin’.

Ito ang naging laman ng isang mensahe ng pasasalamat ni Vice President Sara Duterte para sa mga sumuporta sa kaniya nang tanggalan ito ng security details ng PNP.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa isang mensahe, pinasalamatan nito sina Senators Bato del Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, at Robinhood Padilla.

Pinasalamatan din niya ang ilang AFP at PNP personnel na nagpahayag ng kaniyang suporta.

Sabi ni VP Sara, hindi raw sila dapat mag-alala; at lalong ‘di na nila kailangang mag-ambagan ng pera para sa kaniyang seguridad.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Umapela’t nanawagan naman siya ng kaligtasan sa kaniyang pamilya.

Aniya, dapat ay matiyak ito, mapa-personal man, ‘o kahit sa internet.