Van na may kargang hollow blocks, nahulog sa tulay; 2 patay

Dead on arrival ang dalawa sa pitong (7) sakay ng L300 van matapos mahulog ang sasakyan sa kahoy na tulay papunta sa Sitio Talugon Brgy. Bagong Bayan El Nido Palawan kahapon, ika-19 ng Hulyo.

Ayon kay MDRRMO Raymond Osorio, nahulog sa tulay at dumiretso ito sa ilog habang nakasakay ang mga pahinante.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Idinagdag ni Osorio na ayon sa inisyal na ulat ay may isang sakay ang nakisakay lamang sa nahulog na sasakyan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Edgar Redoña at Jemboy Marpuri na sinubokan pang isalba sa pribadong ospital.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sinabi pa ni Osorio na marupok na ang tulay na dinaanan ng L300 van at mabigat pa ang karga nitong mga semento o hollow blocks kaya nangyari ang aksidente.

Photo Credit: Cea Dworld