Health expert, suportadong isuspende na payagan ang mga bata na makalabas

Suportado ng infectious diseases at vaccine expert ang rekomendasyon ng mga alkalde sa Metro Manila na isuspende ang polisisya ng COVID-19 task force na payagan ang mga bata na makalabas dahil sa banta ng Delta variant.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Mababatid na hiniling ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na ipagpaliban ang panuntunan, dahil ang mga bata ay maaring maging superspreaders, bilang sila ay hindi pa kasama sa vaccination program.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Paliwanag Dr. Rontgene Solante, kung papayagan ang mga bata na makalabas, malaki ang banta na maipasa nila ang virus sa loob ng kanilang bahay, at ma-expose ang hindi pa nababakunahang tao na vulnerable sa naturang sakit. // MHEL PACIA-TRINIDAD