PNP Chief Marbil – ‘no comment’ na muna sa tirada ni VP Sara

Tumangging magbigay ng kumento si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa pagtawag ni VP Sara Duterte na political harrassment ang pagtanggal sa kanyang security detail.

Maaalalang , inilipat kamakailan sa National Capital Region Police Offoce ang nasa 75 tauhan ng Police Security and Protection Group na dating naka-assign para sa pagbibigay seguridad kay VP Duterte.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Ayon kay VP Sara, walang request na nangyari.

Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Marbil na patuloy na nagbibigay ang PNP ng top-tier security services kay Vice President Sara Duterte.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Muli rin niyang binigyan-diin na nananatiling nakatuon ang PNP sa pagbibigay ng seguridad para sa Bise Presidente sa kanyang mga lakad sa bansa.