Sen. Padilla, tiniyak na walang namumuong sama ng loob sa pagitan nila ni Sen. Tolentino

Pinaalalahan ni Senador Robin Padilla ang publiko na huwag agad maniniwala online sa mga taong pinag-aaway sila ni Senador Francis Tolentino.

Kasunod ito sa kanyang naging mungkahi kay Tolentino na bumaba sa pwesto bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) upang makapagpokus ito sa kanyang bagong pwesto bilang Senate Majority Leader.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Para mapatunayan ito, sinabi niyang suportado niya ang itinutulak na mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) training ni Tolentino na siyang magtitiyak na handa ang mga kabataan sa anumang sitwasyon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon kay Padilla, sa kanyang tantiya, hindi pa gaanong ‘united’ ang bansa sa kabila ng pagiging mapagmahal at matapang nito kaya importante ang pagkakaroon ng ROTC upang maituro ito.