NAGA CITY – Tinanggal ang mahigit limang daang 500 benepisyaryong napasama sa listahan ng Walang Gutom Program o Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development Office sa Naga City. Mula sa mahigit pitong daan 700, dalawang daan 200 na lamang ang benepisyaryo.
Sa nakuhang impormasyon kay Annabell Vargas, Head ng City Social Welfare and Development Office, napag-alaman na kasama ang iba sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Sanggawadan Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation, at ilan pang programa. Kung saan sa panayam naman kay City Administrator, Elmer Baldemoro, dapat din talagang hindi na kasama at tanging ang mga mas nangangailangan lamang ang makakatanggap base na rin sa alituntunin ng programa.
P3,000.00 na halaga ng basic commodities lamang ang matatanggap nila gaya bigas, gulay, isda at iba pa. Nakipag-ugnayan na rin ang opisina sa Naga City People’s Mall kung saan bibili ang mga benepisyaryo kasama ang voucher o stamp.
Sa tanong naman ng mga benepisyaryo kung kailan ito maibibigay, wala pang pinal na schedule dahil maging ang opisina naghihintay rin mula sa update ng DSWDO.