Pagsusunog ng basura, planong ibalik

Matapos mag-iwan ng maraming basura ang malawakang baha na dala ng Bagyong Carina at Habagat, pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ideya ng pagsusunog ng solid waste sa National Capital Region (NCR).

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, ito kasi ang ginagawa ng mga ibang bansa, tulad ng Singapore, Korea, at Japan.

Dapat aniyang ipaliwanag ng gobyerno sa publiko na mas mababa ang epekto sa kapaligiran ng pagsunog kumpara sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Ikinalungkot din ni Lipana ang kawalan ng disiplina ng publiko sa tamang pagtatapon ng basura, na nagdala ng malalim na tubig baha sa panahon ng malakas na pag-ulan.