Marikina City, nagdeklara ng State of Calamity

Nagdeklara ng state of calamity ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina dahil sa malaking pinsalang tinamo nito dulot ng habagat at bagyong Carina noong nakaraang Miyerkules.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Isa ang Marikina sa mga lungsod sa Metro Manila na matinding tinamaan ng hagupit ng bagyong Carina kung saan mahigit 30,000 residente ang naapektuhan.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ang lokal na pamahalaan ng clearing operations at unti unti na rin sisimulan ang rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Marikina.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines